ANG BASTON NI JUAN
Namatay ang kanyang ama na hindi nya nadalaw sa ospital. Inilibing ito ng hindi siya sumpot para ihatid ito sa huling himlayan, Pero malinaw sa ala-ala nya ang mga kwento nitong kanyang binabalik-balikan sa ala-ala.
Katatapos lang ng Undas. Ito ang tawag dito sa katagalugan sa Araw Ng Mga Patay. All Saint’s Day ang tawag dito sa English na ipinagdiriwang sa mga bansang Katoliko. Sa Amerika ay ipinagdiriwang ito bilang Halloweens. At ang tema ng mga kwento sa panahong ito ay tungkol sa mga katatatakutan. Mga super-natural na mga pangyayari na ukol sa mga kaluluwa.
Ang kwentong ito ay hindi katatakutan. Nabanggit ko lang ang Undas dahil sa aking ama. Mahigit limang taon na na hindi ko nadadalaw ang puntod nya. Natikis ko siya noong bago siya namayapa. Natikis ko pa rin siya ngayong puntod na lang nya at mga ala-ala ang nag-uugnay sa amin.
Ang kwentong ito ay alay ko sa kanya. Naalala ko ang aking kamusmusan kapag ikini-kwento nya ito sa aming magkakapatid. Ito ay sa mga panahong wala pa ang telibisyon at nagsisimula pa lang ang mga radio stations na karaniwan ay pagbabalita pa lamang ukol sa lagay ng panahon ang mga broadcasts.
Pagkatapos namin maghapunang mag-anak ay mag-iipon-ipon na kami sa sala namin na yari sa sahig na kawayan. Karaniwang ang mga bahay noon ay nakaangat sa lupa ang sahig at may mga silong na siya namang tambayan ng mga alaga naming mga manok at aso.
Paulit-ulit lang ang kwento nyang ito, pero hindi ko ito pinagsasawaang pakinggan.
“Masipag si Unyo maghugas ng plato ngayon ah?” Tudyo sa akin ni Ate Melda.
“Paano, ay humihirit na naman ng kwento ni Juan kay tatay yang si dyunyor,” sabad naman ng aking kapatid na si Ate Mita. M...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





