BAGONG UMAGA (Ang Larawan Part 3)
“Maswerte ang lalaki na mapupusuan nito,” Iyon ang nasa isip ni Nathalia. At ang lihim na dalangin nya ay maging bahagi si Aleli ng pamilyang Hernandez.
Nakaluhod siya at kinakausap nya sa kanyang sarili ang ala-ala ng kanyang ina.
“Ma, gabayan mo ako kung saan man kayo ni papa naroroon,” Bulong nya.
“Panginoon, kung totoo man Kayo, at totoo ang milagro, sana pagmilagrohan nyo ako na matagpuan ko ang mga taong magmamahal at magmamalasakit sa akin,” Usal nya na kinakausap ang rebulto sa simbahan na nakapako sa krus. Pagkatapos nyang usalin ang kanyang dalangin ay naramdaman nyang parang nauupos siya. Umikot ang mundo nya. At ng magising siya ay nasa silid na siya ng isang pribadong ospital.
Makirot ang kamay nya na may nakasuksok na karayom kung saan ay mahinang pumapasok sa kanyang mga ugat ang laman ng swero na nakasabit sa kanyang ulunan.
“O, gising ka na pala, sabi ng lalaki na parang tuwang-tuwa nang makita siyang dumilat. Makisig ang lalaki at sa pananamit nito, ay agad mahihinuhang may kaya ito sa buhay.
“Napadaan ako sa simbahan at dinalaw ko ang parish priest namin ng makita kitang nakahandusay sa upuan ng simbahan,” Sabi sa kanya ng makisig na lalaki.
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.