BURIKE

Nalulong sa sabong si Bernie. Dahil sa sabong ay nagawa nyang mang-umit sa aning palay ng ama. Nang maging bigas ang mga palay ay binurike nya ang mga sako ng bigas. Ang hindi niya alam, nagpapa-burike naman ang kanyang batang-batang asawa sa kanyang balong ama.

..

Pababa na ang araw. Nakatapos na si Pedring na italaksan ang mga damong binunot nya sa pagitan ng hilera ng mga palay. Malapit nang mabuntis ang mga palay na nagsimulang lumaylay sa mga malulusog na uhay. Tinanaw nya ang kalawakan ng kanyang limang ektaryang palayan.

Isang kagalakan ang pumuno sa kanyang dibdib.

Kapag mapipintog na ang mga butil ng palay, laging kay-gandang pagmasdan ng kabukiran. Umaasam siya sa isang masaganang ani. Isang kagalakan ng magsasakang tulad nya na makita ang mga ginintuang butil ng palay na namumutiktik sa mga uhay at tila nagsasayaw sa ihip ng hanging amihan.

Huminga siya ng malalim. Wari ay pinupuno nya ang kanyang baga ng sariwang hangin na umiihip mula sa mga kakahuyan sa di kalayuang bundok. Natutuwa nyang pinagmamasdan ang naghahabulang mga kilyawan. Paikot-ikot ang mga ito sa kanyang ulunan. Ang huni ng mga ito ay bumabasag sa paikpik na katahimikan ng bukid.

Dinaanan nya sa kanyang pahingahang kubo ang pinitas nyang mga bunga ng sitaw na itinanim nya sa mga pilapil. Mayroon din siyang talong at sigadilyas. Tiningnan nya yung dalawang malaking bulig na nahuli nya kanina sa sapa na bumabagtas sa may dulo ng kanyang bukid. Inilagay nya ang mga bulig sa isang lalagyang may tubig. Buhay pa ang mga ito.

Iniisip nyang ihawin ang mga bulig. Ang sitaw ay isasapaw nya sa sinaing. Ang talong ay iihawin din nya. Masarap itong isawsaw sa bagoong na isda na pinatakan ng kalamansi. At syempre sawsawan din ito ng masarap na inihaw na bulig.<...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow