LUNGAYNGAY NA TEDDY
Isang mang-aawit si Bea sa isang Exclusive na Club. At si Teddy ay naging regular na costumer sa Club. Nagtataka si Bea kung bakit tila iniiwasan si Teddy ng mga babae na matagal ng nagtatrabaho sa Club. At natuklasan nya ang dahilan. At natagpuan ni Bea ang sarili na umibig at nagmahal kay Teddy. Kahit pa wala siyang alam sa pagkatao nito.
Katatapos ko lang umawit sa entablado ng club, para sa isang ni- request na awitin, ng mapansin ko siyang iniluwa ng pinto ng club. Sa unang tingin ko palang, hinihinuha kong lasing na siya. Marahil ay hindi itong club na kinakantahan ko ang una nyang pinasok dito sa kahabaan ng Makati Avehue.
At ng magawi siya sa malapit sa kina-uupuan ko, napuna ko kaagad na may personalidad ang lalaki. Matangkad siya sa karaniwan. Dangkawan ang kanyang mga kamay, at ang malapad nyang mga balikat, ay parang nagbabadya ng katatagan. At ng tamaan ng paikot-ikot na liwanag mula sa stage ang kanyang mukha, napagtanto ko ang kanyang kakisigan. Na parang sa isang matinee idol, o yung tipikal na boy-next-door na madaling umakit ng mga atensyon ng mga kababa-ihan.
Ang isa pang nakakatawag ng pansin sa lalaking iyon ay ang kanyang kasuotan. Mahahalata agad na mamahalin ang suot nya, mula sa pantalon at sa suot nyang stripe na polo, na tinernohan ng isang GP na relong panggalang. Sa teimino ng mga kababaihan dito sa club, ang lalaking pumasok ay nagpapahiwatig na ito, bukod sa kakisigan, ay nangngamoy kadatungan.
⚠ REPORT ABUSE
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





