Stella Marie - Kabanata 1
Paalala: Ang mga sumusunod na pangngalan ng tao, lugar, o pangyayari ay pawang gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng may-akda.
RATED 18+
****
Stella's POV
Hinihingal akong napabangon sa mahimbing na pagkakatulog.
Sapu-sapo ko ang aking dibdib, parang lalabas ang puso ko sa labis na kaba dahil sa panaginip na iyon kung saan nasa ibabaw ako ng isang lalaki. Pareho kaming umuungol. Ang hindi ko lamang maintindihan ay bakit ko napananaginipan ang ganitong bagay.
Wala pa naman akong karanasan sa pagtatalik. Wala rin akong nobyo dahil nais ko munang makapagtapos ng pag-aaral kahit na nasa tamang edad na ako na disi-nueve.
Nangako ako sa aking ina bago ito pumanaw apat na taon na ang nakararaan na magtatapos ako ng pag-aaral at tutulungan ang aking ama sa negosyo bago magnobyo.
Hindi na rin naman sumagi sa isipan ko, kahit na marami ang nagpapahaging sa akin sa eskwelehan at kompanya ni Dad.
Bumuntong hininga na lamang ako at pilit na inilihis ang tinatakbo ng aking isipan sa ibang bagay, katulad ng may darating palang bisita ang aking ama mamaya. At ako, kailangan kong pumasok sa klase.
Pagkaalala sa mga gawain ko sa paaralan, agad akong tumayo sa aking kinahihigaan at dumiretso sa banyo upang makapag-ayos ng aking sarili.
High-waisted ripped jeans, white printed shirt at white shoes ang pinili kong OOTD for today. Inilugay ko ang aking buhok. Basa pa kasi.
Saka ko kinuha ang aking sling bag laman ang mga asignatura para sa araw na ito. Kagabi ko pa ito ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





