BUKID AY BASA (Part 20 )

May mga damdaming kinukuyom... may mga pagmamahal na hindi pinapahalagahan hanggang hindi dumarating sa sandaling wala ng babalikan.

..

 

Nasa harap ako ng pinto ng OR nang makita kong may isang matanda na ipinapasok sa ER. Hindi sana ako magkakaroon ng interes na maki-usyuso  sa matanda nang marinig ko yung binanggit na pangalan ng naghatid sa matanda.

“Faustino Batilaran po ang pangalan ng pasyente at sa lower Caranglan po siya nakatira…”

Si mang Usting ang isinugod sa ospital sa kasagsagan din ng pagsusungit ng panahon.

“Anong nangyari kay mang Usting?” tanong ko sa lalaking nagdala na nagpakilalang konsehal ng kanilang barangay.

“Nakita ng mga taga-sa kanila na nakahandusay ang matanda sa harap ng tarangkahan ng kanilang bahay…” paliwanag ng konsehal, “ nag-iisa ang matanda sa kanila at sumaglit daw yung kasambahay nya sa kanila dahil nag-aalala din ito sa sariling pamilya dahil sa bagyo.”

Mabilis akong pumasok sa ER. Nakita kong binebendahan ang ulo ni mang Usting.

“Wala pang malay ang matanda, nabagok daw ang ulo ng bumagsak sa may tarangkahan ng malaking bahay,” sabi nung lalaking nurse na katulong sa pag-aasiste sa matanda.

“Nasa abroad daw ang mga anak nito at nasa Cabanatuan naman ang mga kamag-anak,” dagdag pa ng male nurse. Isang piping dalangin ang nausal ko para kay mang Usting.

“Na scan na ang matanda, kailangan daw operahan at may namuong dugo sa ulo,” sabi naman ng isa pang nurse na nasa tabi namin.<...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow