INNER SCENT (Unang Labas- Ang Inaanak)
He was in his early 40’s, and was living a solitary life. He felt he had forgotten the urge and the desire of having a woman in his life. Until he was sold with a perfume. The scent changed his sex life.
“INNER SCENT”--- THE PERFUME
UNANG LABAS: INAANAK
Matagal na akong nagso-solo sa buhay. Matapos na magkahiwalay kami ng naging ka-live in ko, parang nanawa na akong muling magkaroon ng bagong babae sa buhay ko. Sa palagay ko, okay naman ako na walang regular na kasiping at walang kasama sa bahay na mag-aasikaso sa akin. Sa ganito ay nagkakasya at nagkakaroon pa ng surplus ang kakarampot kong sweldo bilang building administrator sa isang gusali sa Makati.
Nakapagpundar na rin ako ng isang house and lot na huhulugan ko sa loob ng dalawampu’t limang taon. Mahigit sampung taon na akong nakatira dito. At kahit may kalayuan sa trabaho ko, ay ginusto ko dito dahil tahimik, maayos ang serbisyo ng tubig at kuryente, at hindi binabaha at malayo sa fault lines ng lindol. Huwag ng sabihin pang ang homeowners association ay may maayos na programa para sa seguridad ng pabahay.
“Engineer, bawasan mo naman yang ipon mo,” sabi sa akin ni Rona isang araw.
Si Rona ay an...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





