FIFTY GRAND (Kagat Sa Mansanas Part 12)
Para patunayan na hindi siya kuripot ay inalok ng bilyonaryong si Dominic ang Strip-dancer na si Desiree Luna na maka-table ito sa halagang Fifty Thousand Pesos.
Maaga pa ay nasa club na si Solomon. Araw ito ng rehearsal ni Shirley na kilala nya bilang si Desiree Luna.
Mula ng masilipan nya si Shirley doon sa kanyang duplex ay nag-iba na ang pakikitungo nya dito. Nagkaroon na siya ng interest sa dalaga. Nagkaroon na ng malisya ang bawat galaw nito para sa kanya.
Kung dati-rati ay isa lang ito sa mga pangkaraniwang performers ng kanilang club, ngayon ay may iba na itong dating sa kanya.
Kanina pa nakaabang si Solomon sa pagdating ni Shirley. Parang naiinip siya na hindi pa ito dumarating. Panay ang tingin nya sa pintuan kung saan alam nyang doon bubungad ito bago pumasok sa dressing room.
Nandoon na ang kanyang dalawang technical engineers. Inihahanda na ni Lexis ang lighting. May dalawang telon ang stage. Ang una ay yung actual na performing stage ng strip-dancers. Ang pangalawang tabing ay para sa mga acrobatic sequences. Mayroon itong hanging cable kung saan naka strap ang performer na unti-unting ibababa ng mechanical cable na nagbibigay ng ilusyon na nakalutang sa ere ang performer habang umiindayog ito sa saliw ng musika.
Ang highlight ng mga lente at iba’t ibang kulay na liwanag ay kontrolado ni Lexis mula sa motorized na mga revolving lights.
Mayroon din itong moving stage na parang unti-unting lumilitaw ang dancer mula sa ilalim ng flooring ng stage. Ang dramatic entrance ng performer ay kontrolado ng mga ilaw ni Lexis.
Tags
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





