THE WEAKEST LINK (SAMANTHA 4)
Malakas ang ulan sa labas ng kanilang bahay. Nagngangalit ang bawat patak nito sa bubungan nina Sam. Ang halumigmig na dala ng masinsing patak ng ulan ay nag-iiwan ng tila hamog na nakapanikit sa saradong bintana na sliding glass.
Painot-inot na bumangon si Sam. Nagtungo siya sa malapit sa may bintana. Pinanood nya sa labas ang pagbagsak ng masisinsing patak ng ulan sa nagpuputik nang bakuran nila.
Tiningala nya ang madilim na kalangitan. Sa nagdidilim na mga ulap sa papawirin, iniisip nyang matagal at mahaba pa ang mga sandali bago tumigil ang ulan.
Pero, tiyak din, titigil din ito. Matatapos din ang pagbuhos ng ulan.
Kinipit nya ang suot na damit-pambahay. Ang ginaw na dulot ng ulan at pabugso-bugsong pag-ihip ng hangin ay nagdudulot ng nanunuot sa butong ginaw. Subalit, bata pa siya. Kayang-kaya pang tanggapin ng naturalisa nya ang ginaw na dulot ng nagsusungit na panahon. Lilipas din naman ang ginaw na ito. Lilipas din ito tulad ng paglipas ng bawat kirot na dumating sa kanyang buhay.
Lilipas din ang physical na kirot. Maghihilom ang bawat sugat sa katawan. Magpapani-bagong sigla ang hapis na mukha ng tadhana. Subalit may maiiwang pilat ang bawat sugat. May maiiwang kirot ang bawat mapait na karanasan.
May sugat na maghilom man ay nagbabalantukan. Nananatiling sariwa ang sugat na makanti lang ay nagbabalik ang kirot.
Kinuha nya ang isang maliit na kwaderno sa kanyang drawer. Binuklat-buklat nya ang mga pahina nito. Hinugot nya ang ballpen na naka-suksok sa spring ng maliit na notebook.
Natigilan siya. Ilang araw nang hindi siya nakapag-sulat ng kahit anong entry sa kanyang diary. Hinayaan nyang blangko ang ilang pahina. Pagkatapos ay is...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





