LABADA (Parausan Part 13)
Natukso si Grace kay mang Timoy. Nagbunga ang kanilang kapusukan. Ang solusyon ni Grace ay akitin si Inggok at siya ay pakasalan.
Nakaupo si Grace sa isang bangkitong kahoy. Nakaharap siya sa isang ga-bundok na labada. Mas marami sa mga labahin nya ang maruming damit ni Inggok sa pamamasada nito. Pangalawa doon ay ang maruruming damit ng kanyang anak at kapatid. Iilan lamang ang damit nya. Bihira naman kasi siyang lumabas. Nitong mga huling buwan lang noong ‘magka-hulihan’ sila ng loob ng kanyang kumpareng si Jaime.
Nagsimula lang naman iyon noong birthday ng kanyang anak na inaanak nito. Hindi nga nya malaman kung bakit, naisipan nyang tuksuhin ang kanyang kumpare hanggang sa maganap nga sa kanila iyon. Doon mismo sa kanilang bahay habang mahimbing na natutulog ang asawa nyang si Inggok.
Habang kinukusot nya at paisa-isa munang kinukusutan ang kanyang labada bago nya ito sabunin ay naaalala nya noong bagong salta pa lang siya dito sa lugar nila.
Taga Aklan sila. Sa isang barangay na nasa hilaga ng pamosong isla ng Boracay. Dalawampung taong gulang na siya ng isama siya ng kanyang tyahin patungong Maynila. Ngunit, hindi naman pala ito sa Maynila nakatira kundi sa isang bayan sa labas ng Metro-Manila.
At iyon ay dito nga sa kasalukuyan nilang tinitirhan ni Inggok. Hindi si Inggok ang naka-una sa kanya. Si Mang Timoy ang unang bumiyak sa kanya.
At iyon ang isang bahagi ng kanyang ala-ala na hindi nya makalimutan.
Hindi pa uso noon ang running water sa lugar na iyon. Sa balon pa sila naglalaba, sumasalok ng tubig na inumin, ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





