TUKSO SA PALIGID (Parausan Part 17)

PES Certified Hit

Natuklasan ni Mang Timoy na ang dahilan ng pag-iwas sa kanya ng manugang ay dahil mayroon na itong libangan na ipinadala ng anak nyang si Andres.

..

Matuling tinatahak ng pick-up na minamaneho ni Andres ang daan palabas ng Riyadh papuntang Damman. Nautusan siyang magdeliver ng mga bagong assemble nilang mga dessert coolers. Ayaw nya sana sa ruta na iyon. Pero, siya ang inutusan ng kanilang Egyptian manager na si Salah.

Apat na oras daw ang byahe mula sa kanilang pagawaan hanggang sa display store nila sa Dammam. Pinayagan siya ni Salah na doon na magpalipas ng gabi sa Dammam at sa kinabukasan na lang siya magbalik. May bunkhouse naman doon para sa mga technician na inuutusan para mag-repair ng mga depektibong mga home appliances na under warranty ng kumpanya.

Nakabalabal siya ng balabal ng mga arabo. Sira ang aircon ng Datsun. At tag-init noon ang klima. Parang mainit na hangin mula sa pugon ang hanging humahampas sa mukha nya. Nakabukas pareho ang mga bintana ng pick-up.

Parusa talaga ang magmaneho ng sasakyan ng walang aircon sa panahon ng tag-init sa Saudi. Nasa city highway sa pagitan ng Jubail at city center ng Dammm ang bodega ng kanilang pagawaan.

Papasok pa lang siya ng border ng Dammam ay dama na nya ang malagkit at mainit na hangin na tumatama sa kanyang balat. Ma-humid ang mainit nak lima sa dakong iyon ng Saudi. Malapit kasi sa dagat ang Dammam.

Papaliko na siya ng makita nyang isang kotse ang nakaparada sa gilid ng daan at nasa labas ng kotse ang isang mag-anak. Kalong-kalong ng lalaki ang isang bata at nasa tabi nito ang isang babae na balot-na balot ng itim na abaya at tanging mukha lamang nito ang n...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow