PINDEHO (Parausan Part 22)
Natuklasan ni Jaime ang pagpindeho sa kanya ng asawang si Ella. Natuklasan nyang ang kanyang kumpareng si Inggok din ang kalaguyo nito.
Pinaharurot ni Jaime ang kanyang traysikel palayo sa kamalig. Biglang-bigla naman ang pagbuhos ng malakas na ulan. Parang nakiki-simpatiya sa kanya ang kalangitan. Malalaki ang mga patak ng masinsin na ulan. Tumatama ito sa windshield ng kanyang motor-siklo. Binibirit nya ang gasolina ng motor. Parang gusto nyang paliparin ang traysikel palayo sa lugar na iyon.
Gusto nyang takasan ang katotohanang isa na rin siyang pindeho. Pareho na silang dalawa ng kumpare nyang si Inggok. Siya ang pumindeho sa kanyang kumpare ng kabitin nya ang kumare nyang si Grace. At siya naman ang pinindeho nito habang nag-uulayaw ang mga ito sa loob ng kamalig.
Patas lang. Tabla-tabla lang sila. A divine justice?
Pero, sino ba ang higit na nasaktan? Sino sa kanila ang higit na nagwagi?
Ipinarada nya ang kanyang traysikel malayo sa bahay ni Inggok. Libre siya, alam nyang kasalukuyan pang sinusulit ni Inggok at ni Ella ang bakasyon nito. Kinabukasan ay lilipad na uli pabalik sa Hongkong ang kanyang asawa. At naroroon pa sa kamalig ang mga ito. Nagpa-pasasa pa sa isang bawal na romansa.
“Anong ginagawa mo dito?” bulong ni Grace nang makita si Jaime sa kanilang harap-bahay. Nag-aalala si Grace. Baka dagling bumalik si Inggok.
At saka, alam nyang darating ang karpinterong si Mang Reden na pinabili lang nya ng materyales na gagamitin sa ipinapasibay nyang maliit na tindahan.
“Libog na libog lang ako Grace,” bulong ni Jaime.
“Hindi pa ako nakapaligo,” ganting bulong ni Grace.
“Lagi ka namang mabango para sa akin,” sabi pa ni Jaime.
Hindi alam ni Grace kung ano ang naglalaro sa utak ni Jaime nang mga sandaling iyon. Pero, nararamdaman nya ang libog nito.
...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





