PASALO (PARAUSAN PART 29)

Isinayaw si Miriam ni mang Timoy. Ang sayaw ay humantong sa kama. Magbibigay daan iyon na magkaroon siya ng dahilan sa kanyang pagbubuntis.

..

 

Tag-init na, panahon ng kwaresma. Ito yung matagal ng hinihintay ng mga may malalamig na klima sa buong daigdig. Subalit, sa Pilipinas na mayroon lang dalawang uri ng klima, ang tag-araw ay isang mainit na panahon.

Kaya naman, karaniwang sa beach resorts, mga ilog, at mga pasyalan na may malalamig na hangin, panahon at mga tanawin ang karaniwang puntahan ng mga Pilipino.

 

“Tara sa ilog at magpa-hangin,” yaya ni Grace kay Inggok.

Pakiramdam nya ay init na init siya sa loob ng kanyang tindahan. Ang ilog ang pinaka-malapit nilang puntahan para magpalipas ng init ng panahon.

“Isama natin ang mga bata,” sabi pa niya sa asawa.

“May lalakarin ako sa Maynila,” sabi naman ni Inggok.

“Sa Linggo na lang.”

Hindi na nagtanong si Grace kung ano ang lalakarin ng asawa sa Maynila. Wala siyang interes sa mga lakad ni Inggok.

Pero, init na init talaga ang pakiramdam nya. Para siyang naging irritable nitong mga nagdaang araw.

Stress ba siya dahilan sa kanyang dinadala?

Buntis siya. Malinaw iyon sa isip nya. At buntis siya hindi sa kanyang asawa, o kay Jaime na kalaguyo nya.

Natyempuhan siya ni Andres na fertile siya noong magtalik sila sa guho.

Sinisisi nya a...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow