PARAUSAN (Part 7 Kaway Ng Tukso)
Kapapasok lang ng taglamig sa bahaging iyon ng Saudi Arabia. Halos ay magdadalawang buwan pa lang si Andres sa abroad. Wala pa siyang gaanong kakilala. Nag-iisa siyang Pinoy sa pagawaan ng mga home appliances sa dakong iyon na isang industrial area.
Kasalukuyan siyang nasa labas ng kanilang pagawaan. Siya lang ang tanging Kristyano sa mga nagtatrabaho doon. Karamihan ay mga Muslim na Indian o Sri Lankan nationals ang mga kasamahan nya. Naroroon ang mga ito sa di kalayuang mosque at oras ng salah o pagdarasal ng mga Muslim.
Sobra ang ginaw ng klima kapag ganitong taglamig doon. Dalawang suson na ang suot nyang damit at naka-jacket pa siya. Nangingiki pa rin siya sa matinding ginaw.
Nasa ganoong ayos siya na naka-upo sa bangketa at nakahalukip-kip ang mga kamay ng may humintong isang lumang modelo ng kotse sa kanyang tabi. Nakangiti kay Andres ang lalaki na nagmamaneho ng sasakyan.
“Are you a Filipino or a Thailander?” tanong ng lalaki na nasa manibela.
“Pinoy ako,” sabi nyang hindi tumitinag sa pagkaka-upo sa bangketa.
“Ayos, kabayan!” nasabi ng lalaki at bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba ang lalaki at nagtungo sa harap ni Andres.
“New-comer ka lang dito sa Riyadh?” tanong sa kanya ng lalaki.
“Ako si Mario, taga Valenzuela ako sa atin,” sabi nito ng hindi saya tumugon sa tanong nito.
“Andy,” taga-Bulacan ako.” tugon ny...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





