BUKID AY BASA (Part 18 HELLO, GOODBYE)

Nagtungo si Greg sa London upang dalawin ang kanyang mag-iina. Natagpuan nyang may malaki ng pagitan sa kanila ni Mer.

..

 

Isang araw din ang byahe sa eroplano mula Melbourne hanggang sa Heathrow airport sa London. Ayon kay Mer ay nasa bourough sila ng Barnes Cray. Walang isang oras na drive mula sa pribadong sasakyan. At halos isang oras naman kapag mag-take ng bus. Nangako siyang susunduin nya ako.

 

Umaga ako lumipad mula Melbourne. At umaga rin ako nakarating sa Heathrow. Nakalabas na ako sa gate ng arrival area ng tumunog ang cellphone ko. Si Mer ang tumatawag. “Tumingin ka sa bandang kanan nandito kami…” sabi nya.

Madali ko siyang nakita na kumakaway sa akin. Nagmamadali ang aking hakbang. Gustong-gusto kong mayakap ang babaeng unang naging bahagi ng buhay ko.

Nagyakap kami. Nandoon parin ang init ng mga yakap nya. Hindi naman nawawala ang pagmamahal ko kay Mer. Kahit pa may mga babae na nagkaroon ako ng relasyon. Tulad ng relasyon ko ngayon kay Adel, kay Liz, kay Lissa at sa hipag kong si Sannang.

 

“May kasama ako…” sabi ni Mer.

Hindi ko napansin ang nasa likuran nyang lalaki.

“Rick, meet my husband, Greg,” pakilala sa akin ni Mer sa kasama nya.

Matangkad ito. Sa tantya ko ay nasa 6’4” ang height nito. Itim siya pero hindi African o American. Isa siyang bumbay o British Indian. Sa tantya ko pa ay mas matanda ako ng sampung taon dito.

“Si Rick Amesh ay colleague ...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow