SECOND HAND (PART 9 KABABALAGHAN)
Muli nyang naisakay si Inday. Isang kababalaghan ang nangyari kay Doro matapos nilang magtalik ni Inday sa kanyang traysikel.
Banayad ang patakbo ko sa minamaneho kong traysikel. Wala akong pasahero. Sa mga ordinaryong pagkakataon, ay bihira talaga ang mga pasahero. Iilang libo pa lang ang mga naninirahan sa isla. Naka-kulumpon lang ang ilang pulu-pulutong na mga kabahayan sa bungad ng mga bayan na sumasakop sa isla. At sa pagitan noon ay malawak nang kagubatan.
Subalit moderno na ang circumferential road sa isla. Maluwag na ang sementadong daan na standard na sa plano ng Department of Public Works and Highways, o DPWH. Maliban sa ilang bahagi na hindi pa nasisimulan, at ilang bahagi na sinira ng mga nagdaang bagyo at landslides; masarap magmaneho sa buong kahabaan ng circumferential road.
Katatapos ko lang ihatid si Marlon sa tanggapan ng pribadong kumpanya na namamahala sa road construction sa isla. Si Marlon ay may-ari ng isang maliit na construction service company, At sila ang naka-kuha ng sub-contract para sa mga rip-rapping, canals at mga drainage sa gilid ng circumferential road. Inutusan nya akong balikan na lang siya sa hapon. May kalayuan din mula sa tinitirhan nya sa Magdiwang ang opisina ng kumpanya.
Naalala ko na nadaanan ko ang tulay at ang papasok na daan patungo sa gubat na pinagdalhan ko kay Inday. Bigla ay may sumigid na kilabot sa aking katawan...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





