SECOND HAND (PART 12 ANG BAHAY SA PUSOD NG GUBAT)
Isinama ni Rey si Doro sa isang bahay sa pusod ng gubat. Narating na ni Doro ang bahay na iyon . Sa bahay na iyon nya unang inihatid ang mahiwaga nyang pasahero na si Inday.
PART 12
“May iki-kwento ka ba sa akin Rey,” tanong ko sa kanya.
“Samahan mo muna ako sa batis na sinasabi mong kinapulutan mo ng bato na yan.” sabi nya.
“Lolo Tonyo, hindi ko alam na umiinom kayo ng tuba,” sabi ko sa matandang espiritista ng makita ko itong muli sa harap ng tubaan ni Rey.
“Ikaw naman Doro, porke ba ako ay isang bulag eh hindi na ako marunong lumasa ng alak,” sagot naman nito.
“Paborto ko rin nga ang pulang kabayo,” parang pagpaparinig pa ng matanda sa akin. Kaya pinagbigyan ko siya at humingi ako kay Rey ng isang Mucho at dalawang baso para ito ang itagay namin.
“Lo, marunong din ba kayong mag-interprete ng mga panaginip at pangitain?” tanong ko sa matanda. Sa puntong ito ay lumabas si Rey sa kanyang tindahan at naki-umpok sa aming dalawa.
“Dalawa ang uri ng panaginip at pangitain natin,” sabi ng matanda, “may pangitain na babala o pagpapahiwatig. May pangitain na naglalakbay lang ang ating diwa.”
Tags
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





