A WOMAN OF DESIRE (Attorney At Law Part 6)

Kapit sa patalim, pumayag si Trisha na maging Kept woman ng isang negosyante na asawa ng isang pulitiko para makapagtapos ng pag-aaral.

..

A WOMAN OF DESIRE

 

Nasa aplaya siya. Pinagmamasdan nya ang paghalik ng alon sa kanyang mga paa. Pinaliliguan  ng payapang alon ang kanyang mapuputing sakong ng maligamgam na bulang nabubuo at nawawasak sa mabining paghampas ng alon sa dalampasigan. Habang parang sinusuklay naman ng hanging amihan ang mahaba nyang tuwid na tuwid na buhok, na umaabot sa kanyang balakang.

 

Hinawi ni Patricia ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda nyang mukha. Tinatanaw nya ang malayong anino ng mga barko at ferry boats na naglalayag sa bahaging iyon ng karagatan na tanaw mula sa kanyang kinalakhan na isang coastal na barangay, na sakop ng bayan ng Matnog, sa lalawigan ng Sorsogon.

 

Maganda si Patricia. Matangkad siya sa pangkaraniwan. Marahil ay dahil sa ang kanyang namayapang ina ay naanakan daw ng isang Amerikanong puti ng magtrabaho ito sa Angeles City. At ayon sa kinalakhan nyang lola, sa di nya nakilalang ama,  namana ang kanyang kutis, tangkad, at ta...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow