THE MOUNTAIN OF DESIRES (PART 14 SUGAL)

Napatunayan ni Mayang na totoo ang hinala na may-asawa ang kinakasama nyang si Jun. Kinailangan ni mang Poldo na sumugal sa pag-asang tutupad si Zeny sa pangako nitong babalikan siya.

..

 

“Kanina ka pa ba?” tanong ni Jun kay Mayang. Nasa dati nila silang tagpuan. Kapag hindi nakakaakyat sa bundok si Jun ay si Mayang ang bumababa. Ito ang kanilang arrangement ni Jun.

Isang simpleng empleyado si Jun sa munisipyo. Subalit may bigasan sila ng asawa nyang tunay sa loob ng palengke. At mayroon na silang isa pang tindahan sa harap ng munisipyo na mga office supplies naman ang kanilang paninda bukod sa may tatlo silang xerox copying machines para sa mga nagpapa-kopya ng mga dokumento sa munisipyo.

Asawa ang turing nya kay Mayang. Mas higit na bata si Mayang sa asawa nyang mahigit ng sisenta. Pinakasalan nya lang ang asawa nyang tunay dahilan sa pera nito at sa koneksyon nito sa Munisipyo. Aamininin nyang ang asawa nya ang naging dahilan kaya siya na regular sa trabaho nya kahit pa wala siyang civil service eligibility.

“Medyo…naiinip na nga ako kanina pa…” tugon ni Mayang.

“Halika na doon sa dati…” nagmamadali si Jun, “doon na tayo sa loob mananghalian.”

Nasa loob na sila ng motel. Iyon ang kanilang madalas puntahan. Suki na sila ng gusaling iyon. Halos kilala na sila ng mga regular na empleyado ng motel.

Pinagmamasdan ni Jun si Mayang habang naghuhubad ito. Napuna nyang parang lalong gumaganda ang kalaguyo. Parang hindi ito naglalagi sa bundok at nagbibilad sa araw sa pagtatanim sa gulayan nila sa homestead. Pinagmamasdan nya ang d...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow