THE ORIGINAL SIN
Nagtataka si Don. Nagisnan nyang nasa isang tropical beach siya. Hindi nya maintindihan kung paano siya napunta doon samantalang huli nyang naalala ang malambot na kama at ang mainit na mga yakap ni Bea.
ANG SIMULA
“Bossing… Bossing?” Iminulat ko ang isang mata ko, pagkatapos ay muli ko itong ipinikit. Nakasisilaw sa mata ang liwanag na bumulaga sa akin.
Subalit, mapilit yung tinig na pilit gumigising sa akin.
“Bossing?” Itinakip ko ang isang kamay ko sa ibabaw ng aking mata at muli akong dumilat. Nakita ko ang isang pandak na lalaki na nakangiti sa akin. Nakahiga ako sa isang chaise sa isang beach. May hawak na pinya ang pandak na lalaki.
Nakapagtataka.
“Paanong?”
Nakasuot ang lalaki ng maikling coat na kulay puti at itim na slacks.
“Para sa’yo to Bossing,” sabi nya at iniabot sa akin yung pinya. Inilapag nya sa kandungan ko ito at walang sabi-sabing lumakad palayo.
Nahinuha kong isa itong inumin, kesa sa tunay na pinya. Marami kasing maliliit na dekorasyong parang payong na nakatusok dito.
Itinapon ko ang tingin ko sa dagat. Parang kaygandang pagmasdan ng mga alon. Dumidila ito sa napaka-puti at pinong-pinong buhanginan. May mga sea-gulls na naghahabulan sa papawirin at maririnig ang mga huni nila habang sila ay naghahabulan sa paglipad.
Ang amoy ng maalat na hangin ay parang humahaplos sa pang-amoy. At ang gintong araw ay namamayagpag sa kulay asul na kalangitan. Ang hanging habagat ay humah...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





