ANG MAGKAKASAL (Ang Larawan, Katapusang Labas)

..

Nakaalis na uli si Simoun pabalik sa Roma. At walang Roy na nagpapakita kay Aleli. Ginugol ng dalaga ang kanyang panahon sa pagko-collate ng mga data at catalogues ng mga paintings na ipinapadala ni Simoun mula sa Roma. Regular ang komunikasyon nilang dalawa ni Simoun. Lagi silang magkausap sa video-chat. At sa pamamagitan ni Simoun ay naiibsan ang pangungulila ni Aleli kay Roy. Nararamdaman ni Aleli na nalilipat na ang pagpapahalaga at pagtatangi nya sa kanyang katipan, sa balong ama nito. Ngunit, hindi pa rin maalis sa isipan nya ang nangyaring parang biglang paglalaho ni Roy sa kanyang buhay.

 

“Pinadalhan kita ng visa, ayusin mo ang mga papers mo para makarating ka dito sa Rome,” Sabi sa kanya ni Simoun. Halos ay dalawang taon na ang nakalipas, mula ng umuwi ito sa Ilocos. Ilang exhibit na na ang itinanghal ni Aleli sa Galerya. At walang Roy na sumusulpot para magpakita sa kanya sa Ancestral House ng mga Hernandez. At huminto na si Aleli sa pag-asam na babalik pa si Roy at tototohaanin ang pangako nitong magpapakasal sila.

 

Inaayos nya ang kanyang mga travel papers nang may makasabay siya sa DFA na nakilala nyang taga- palengke sa Hagonoy.

Tags

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow