ANG BUHAY NA LARAWAN (Ang Larawan Part 5)
Nang makita ni Simoun si Aleli, parang nabuhay ang ipininta nyang obra ng babae sa kanyang panaginip. Parang mabuhay si Lejani sa katauhan ni Aleli.
“Tumawag si Daddy, darating daw siya ngayong February, at mag stay siya hanggang matapos ang exhibits sa Galerya,” Pagbabalita ni Roy kay Aleli. Napuna ni Aleli na tuwang-tuwa ang katipan.
“Mahigit na limang taon nang hindi umuuwi si Daddy mula ng mamayapa si mommy,” Sabi ni Roy sa tonong hindi maitago ang kagalakan.
“Pag dumating si Simoun, wag mo lang intindihin ang mga eccentricies ng anak ko, alam mo na ang mga artist, may mga ugali iyon na mahirap ipaliwanag, ipinagpapa-una ko na,” Sabi naman ni Nathalia kay Aleli nang malaman nito na uuwi ang pintor na anak.
Sa reaction ng maglola sa napipintong pagdating ni Simoun, ay may pangamba na nasa isipan si Aleli ukol sa ama ng katipan.
“Paano kung di nya ako magustuhan para sa kanyang anak? Magiging hadlang ba ito sa kanilang pag-iibigan ni Roy?” Ito ang mga isiping gumigiyagis at hindi magpatulog kay Aleli.
“Mahal, meet my Dad,” Nakangiting sabi ni Roy sa dalaga.
“Dad siya si Aleli na sinasabi ko sayo sa phone na fiancee ko,” Pakilala ni Roy kay Aleli sa kanyang ama. At parang n...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





