TEMPTATION (SECOND HAND Part 5)
Habang nagtatagal ay naglalapit ang mga damdamin ni Doro at ni Olive. Ngunit sa pagitan nila ay may mga umaaligid na tukso...
PART 5
Araw ng Sabado. Tulad ng napag-usapan namin nina Olive, ay maliligo kami sa dagar. At Byernes pa lang ay excited na ako. Nagpa-ihaw ako ng barbecue, isaw at dugo ng manok. At bumili ako ng pinaka-masarap na bigas na mabibili sa palengke. Naghanap din ako ng bagong pitas na buko at bumili ako ng dalawang buwig. Gusto kong maging memorable sa amin ni Olive ang pagkakataong iyon.
Maaga ko silang sinundo sa kanilang bahay. Sumama rin ang nanay ni Olive. Kaya, sa loob ang mag-lola ng side car at sa likuran ko naman si Olive. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko, pero bakit parang totoo ang naganap sa amin ni Olive sa gubat. Parang totoong may nangyari na sa amin. Hindi na kami nagkakahiyaan. At parang natural na ang aming mga galaw. Parang may malalim na kaming pinagsamahan.
Nakatingin sa aming dalawa si ‘blue eyes’, at naka-ngiti ito. Parang nanunudyo ang mga mata sa pagkakatingin sa amin ni Olive. Maging ang nanay ni Olive ay parang magaan ang pakiramdam namin sa isa’t-isa. At hindi ito nagulat nang parang yumapos pa sa akin si Olive nang sumakay na ito sa likuran ko. At masarap sa pakiramdam ko ang pagdaiti ng mainit at malambot nyang katawan sa likod ko. Langhap ko ang likas na bango ni Olive. At pumupuno ito sa aking pandama.
⚠ REPORT ABUSE
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.