UNJUST JUSTICE (Attorney At Law Part 12)
“Kumusta, attorney?“ parang may yamot sa pakiramdam ko ng bumungad sa private office ko ang mag-asawang Daniel at Nancy. Sariwa pa sa ala-ala ko ang nangyari sa resthouse.
Mabilis na umupo si Daniel sa isa sa magka-harapang sofa, na nasa harapan ng lamesa ko.
“You’ve got a nice private office here,” sabi nito na tatango-tango.
“At saka, yung ‘M’ sa unahan ng pangalan mo, ngayon ko lang na realized converted Muslim ka pala,” sabi pa nito na pinagmasdan ang naka-frame na Arabic na nagsasabing, “Dakila si Allah, at walang Diyos kundi si Allah, at si Propeta Mohammed ang Kanyang Propeta.”
Patingin-tingin lang si Nancy sa asawa, at paminsan-minsan ay sa dako ko. Naka suot naman ito ngayon ng matingkad na orange na maigsing skirt na may slit sa tagiliran, at naka blusa ng mapusyaw na orange na ang hakab sa dibdib ay ibinubuyangyang ang malalim na cleavage ng kanyang mayamang dibdib. Pinatungan nya ito ng dark orange na blazers na mahabang manggas. Parang mapusyaw ding orange ang kulay ng lipstick ng labi nya na pinatungan ng lipshinner. Naroon pa rin ang di maikakailang sex appeal ng asawa ni Daniel.
Tags
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





