CHERRY BLOSSOMS (Attorney At Laaw Part 14)
“Ikaw ang kapatid ni Doris?“ nababaghan kong tanong sa kasama ni Doris.
Lumapit sa akin si Diana, hinalikan ako sa labi at humagulgol ng iyak sa balikat ko.
“Alam mong mahal kita, Ted, hindi naman nabago yun. Kahit marami ng taon ang nagdaan, hindi ko basta-basta malilimutan ang pagmamahal ko sayo, lalo at may anak tayo,” sabi sa akin ni Diana. Natulig ako sa sinabi nya. Nakita kong napatingin si Doris sa kapatid.
“Anak ko si Ken kay Ted, hindi si Kobayashi ang ama ni Ken, “ paliwanag ni Diana sa kapatid.
Tatlo silang magkakasabay na na-recruit mula sa Pilipinas para maging entertainer sa Japan. Legal doon ang prostitution. At may mga entertainmend districts doon na para lamang sa mga hapones. Sa mga naglipanang mga bars at mga entertainment clubs at hostels naglalagi ang mga mayayaman, at mga matatandang mga hapones na naghahanap ng aliw, at pansamantalang kasama sa kanilang pag-iisa.
At sa isa sa mga hostels na ito nagkasama at nagtrabaho bilang mga japayuki sina Diana, Denise at Annie. Pare-pareho silang nasa 18 years old p...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





