THE MOUNTAIN OF DESIRES (PART 10 QUICKIES)

..

Naglalakad sina Totong at Irena pababa sa bayan. Dadalawin nila sa ospital si mang Poldo. Halos ay isang linggo na sa ospital ang matanda. Kina-ilangang tahiin ang mga sugat nito sa ulo. Mabuti na lang at maraming kakilala si Jun sa munisipyo, natulungan ng DSWD ang matanda para sa gastusin sa ospital.

Magka-holding hands ang dalawang magkasi. Matapos ang magdamag na yun na kung saan ay nakuha ni Totong ang pagkababae ni Irena, parang hindi na naghihiwalay ang dalawa. Tinulungan ni Totong si Irena na magpalawak ng hinawang kaingin. Tataniman nila ito ng kamoteng kahoy at kamoteng baging.

“Magsisikap akong magkaroon ng sarili kong homestead dito,” sabi ni Totong, “gagawa ako ng sariling bahay para sa ating dalawa.”

“Sigurado ka na bang ako ang gusto mong maging asawa?” tanong ni Irena sa kanya. Naka-upo sila sa gitna ng kaingin at pinagmamasdan ang lawak ng lupa na kanilang nalinis para taniman. Ang amoy ng bagong bungkal na lupa ay nanunuot sa kanilang mga ilong. Ang malinis na simoy ng hangin ay nagbibigay inspirasyon sa kanila na mangarap.

Lahat naman ng mga umiibig ay nangangarap ng magandang bukas para sa kanilang pagmamahalan. Ang pag-iisa ng kanilang mga katawan, puso at isipan ay nagbibigay pag-asa na kaya nilang lagpasan ang mga hamon at pagsubok ng buhay.

Sa kanilang isip ay binubuo na nila ang isang senaryo sa nalalapit na bukas. Silang dalawa sa kabundukang ito. Silang dalawa, magkahawak kamay na haharapin ang bukas. Subalit, ang realidad ng buhay ay hindi ...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow