THE MOUNTAIN OF DESIRES (PART 11 TUTOP)
Kagagaling lang ni Totong sa bayan. Naanyayahan si Mang Pedring na dumalo sa isang pagpupulong na ginanap sa munisipyo para sa mga indigents na kasapi ng tribal minority sa Pampanga. Sponsored ito ng Department of Agriculture para bigyang kaalaman ang mga naninirahan dito sa paanan ng bundok ng Arayat ukol sa mga makabagong paraan ng pagtatanim at pagpili ng tamang binhi at paggamit ng pamatay kulisap at mga pataba. Si Totong ang tumayong representative ng kanyang tatay.
Doon nalaman ni Totong na may mga programa pala ang pamahalaan upang iangat ang antas ng kabuhayan ng mga nakatira dito sa bundok. At ito ay binigyan na ng alokasyon para sa pagpaparehistro sa homestead application. Isa palang designated na ancestral land ang kabundukang ito. At ito ay inilalaan sa mga tribo ng Agtas o Aeta na unang naninrahan dito. Ang kanilang ancestral family ay mula sa mga Aeta. Subalit dahilan sa inter-marriages, ang distinct features ng pamilya nina Totong ay naiba na. Wala na sa kanila ang distinctive feature ng katutubong mga Agtas. Pero ang DNA nila ay magsasabing nagmula sila sa katutubong tribu na matagal nang naninirahan sa bahaging ito ng malawak na kabundukan.
Nagsabi na si Totong sa kanyang ama na hahawanin nya ang isang bahagi sa itaas ng kanilang kaingin. Magsasarili na siyang magtanim doon. Nagsisimula na siyang itayo ang pundasyon ng iniisip nyang pagpapamilya nya kay Irena.
“Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?” paniniyak pa ni mang Pedring sa panganay na anak. Natutuwa siya sa nakikita sa anak. Nakikit...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





